Wednesday, December 15, 2010

Fellow Expats have your queries on bank warnings, collecting agents, police case, DEBTOR’s JAIL and TRAVEL BAN”.

Mga Ka expats! Kayo po ba ay may suliranin kinakaharap sa inyong loan at credit cards dyan sa Dubai? Di na nakakapagupdate at may ilang buwan ng past due sa payments? Kinukulit at tinatakot na nga mga kolektor at banks? Worry Free! Di po kayo nagiisa, kaisa nyo po ako. Ginawa ko po Itong blog na ito para makapagbigay sa inyo ng peace of mind. Nakakarelate po ako sa problema nyo. Ako man po ay naging delinquent sa loan payments ko at maraming default na credit cards. Nakatanggap na din po ako ng mga tawag at SMS sa mga kolektor ng bangko. Tinatawagan at pinupuntahan sa opisina para bangko’y makapaningil. Sa tulong po ng mga karanasan kong ito makakapagshare po ako ng idea at tips kung paano ko hinarap ang kaso. Tutulongan ko po kayo mabigyan advise at suhestyon. Wag po kayo matakot, mapanghinaan ng loob, ma paranoid, mataranta at mag panic baka lalo pa po nyo mailagay ang sarili nyo alanganin sa pagharap nyo sa mga prolema. Huwag magpaintimidate, face your fear, know how to deal with the problem and survive. Hindi nyo po hinangad na mangutang sa bank kung di nyo kinakailangan. Hindi nyo po ninais na matanggal po kayo sa trabaho o magkasakit at wala po kayo plano di sila bayaran o para pagtaguan. Nagkataon po ang lahat at di nyo sinasadya. Di lang po kayo ang nangungutang wag mahiya sa problema nyo. Mga kompanya, bansa, negosyo at kahit bangko ay nangungutang din.

1 comment:

Wan Magpayo said...

I hope you all agree if I said this, “WE are all expats trying to survive in a foreign land. WE adjust our selves to its local cultures and comply with the strictness of their rules and law. WE left our home to dream and build a better life. WE embrace all sacrifices just to provide our family food, shelter and education. Being expats are just temporary WE are expendables to our employers. WE are bonded by limited contracts to stay as a resident for work. The company holds our faith here because WE rely in our jobs. Some of us are lucky some us are not. WE are unfortunate to fall prey to abuse, discremination and exploits of some companies here. It’s a long way back home and help is not always available with friends, relatives and our consulate. In desperate times, we are fished by bank agents. WE go for some easy loans and credit cards. At the end of the day WE and our family survive”. The bank benefited from fair or unjust interest taken from the customers. WE blindly see the banks tactics of hidden charges and confusing terms. Its our bitter situations and problems that makes us sign in the application form.